Peksman (Mamatay Ka Man) Nagsisinungaling Ako (at Iba Pang Kwentong Kasinungalingan Na Di Dapat Paniwalaan) (2000)
Peksman (Mamatay Ka Man) Nagsisinungaling Ako (at iba pang kwentong kasinungalingan na di dapat paniwalaan) (2000)
Rating
3.77 of 5 Votes: 3
languge
English
genre
Rate book
Sa totoo lang,nagustuhan ko naman ang librong ito bagamat may mga bahaging masasabing kulang sa explanation,hindi maintindihan at basta lang ang bato ng mga bagay-bagay.Nahahati sa dalawang parte ang libro.Ang una ay pawang mga kwento,patungkol sa isang binatang nakikipagsapalaran sa pag-aapply sa trabaho.Lahat ng madaanan,lahat ng makita at lahat ng marinig ay may kwento siyang handang i-narrate.Maganda sana ang PART I kaso masyadong lumawak,tipong umalis na sa linya ng pinaka-kwento si Sir Eros.Pero sa ikalawang bahagi talaga ako napahanga.Ang kwentong Ripol Epek at Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino ang tumatak sa isip ko.Talagang detalyadong detalyado ang pagkakaexplain.Sana ganito na lang ang ginawa ni Sir Eros Atalia sa pangkabuuan ng libro.Koleksyon ng mga kwentong di dapat paniwalaan.Maari nga siyang maihalintulad kay Bob Ong dahil sa style nila ng pagpapatawa,kapwa satire kumbaga.Bilang konklusyon,masasabi kong ayos naman ang librong ito.Sapat lang sa mga taong nais magbasa ng mga kwentong paiba-iba,ng mga kwentong hindi dapat paniwalaan at dapat paniwalaan. "Mahusay mambitin si Sir!" Ito ang naisip ko matapos mabasa and Peksman. Mapupuna ang estilong nahahawig kay Bob Ong ngunit hindi 100 posyentong gaya. May ibang klaseng banat si Sir Eros sa kanyang mga akda. Natutuwa ako sa mga pa-joke na pahayag ngunit may nilalaman - mga bagay na hindi natin napag-uusapan ngunit alam nating naririyan. Mahusay siya magpakilala ng mga paksang iniiwasan nating lahat.Sana maging prof ko itong si Sir Eros. Idol!
Reviews
profapferreira
mostly wordy and sometimes uneventful
rabbi96
mapapa oo ka talaga
Naddy
MAGANDA
Review will shown on site after approval.
(Review will shown on site after approval)